Am The Reaper Of My Words.



Tuesday, January 03, 2006
Bob Ong In The Making

Apat na buwan bago aku grumaduate ng hayskul ay nabasa ko ang libro ni Bob Ong. Ang pamagat: ABNKKBSNPLA KU?!. Naispatan ko siya sa inaalikabok na cabinet ng pinsan kong si Dimple. Nagandahan aku sa kober: Green. Tapos puting puti pa ung mga pages. Ganun ang mga masarap basahin lalo na pag tamad ang moda ko. Unang tirada pa lang mukhang ayuz na. Natutuwa aku sa mga banat niya. Para lang siyang nagwewento habang nakikipag inuman. Pero malalim ang bawat tirada at banat. Panalo.

Kaya ko nasabi na parang Bob Ong in the making ako ay dahil parang ganun ang nangyayari sa buhay  ko ngayon. Lalo na kung ang pag uusapan ay ang pag aaral. Nung hayskul aku, naitanong ko sa sarili ko kung baket ba kailangan mag aral, e mas marame namang matututunan sa labas ng apat na sulok ng alikabuking silid-aralan. Pero siguro talagang tamad lang aku. Panatag naman ang buhay ko nung hayskul. May mga matatawag na kaibigan, napapagiliran ng mga nagpupumilit mag fit in. Ako lang sa klase ang kinakausap ng mga classmate kong lalake pagdating sa basketball at musika. Marame ring plastik noon, na akala ko mawawala na ngayong kolehiyo na ako. Pero muli, ako'y nagkamali. Yaan na lang, dahil kahit saan ka magpunta, mapaliligiran ka talaga ng mga taong plastik.

Nung nabasa ko ang libro ni Pareng Bob, natakot na akong tumuntong ng kolehiyo. Ang lakas ng impact saken nung linyang, "Para akong isang insekto sa gitna ng kagubatan, madaling matiris." Ay ampupu, basta parang genun yung tirada. Naisip ko, kaya ko pa kayang mag aral sa kolehiyo? Wala akong pakialam nun kung may unibersidad na magpapatake ng entrance exam. Dahil gusto ko sa U.P. Pero dahil nga sa tae akong mag isip, nung UPCAT review pa lang sa school, di na ako nagpa sign up sa program. Ayokong mag entrance exam sa U.P. Shet. Sabi ng nanay ko, sa PUP na lang daw ako. parang U.P pero mas mababa at hamak na talagang mas mababa ang tuition. Oo lang ako, walang palag. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako dahil parang nakakatakot mag aral. Ang mga ka batchmates ko nagkukumahog mag review bago ung PUPCET, dahil sa ayoko naman talaga sa PUP, wala akong pakialam makapasa man ako o hindi. Wala kaseng direksyon ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Dahil kapag freshie ka, trabaho kaagad ang iniisip. "Madali kayang makakuha ng trabaho pag ito ang kinuha kong course?' blah blah blah. Potaness, ang pagkakaroon ng trabaho nasa tiyaga yan. Walang rebyu rebyu sumugod ako sa PUP. At ayun, nakapasa naman. (yabang! ahehehe)

Enrolment day. Kasama ko nanay ko dahil namimiss na raw niya ang buhay estudyante. WATDA?! Pero sige, wala pa ren akong palag. Bago ang enrolment day tsaka lang ako nag decide kung ano ang kukunin kong course: AB English. Pagdating a fourth floor marameng tao. Na interview pa ako e sabay banat ng, "The department has reached it's uota.. blah blah.. Punta na lang kayo bukas kung nagdedecide ba ang college kung magdadagdag pa ng isa pang section." Ayuz lang. kinabukasan pagbalik, malabo ang balitang natanggap ko. Mag enroll na lang daw muna kame sa ibang college at after a year ay mag shift kame. Pakshet. Sabi ni ina, sa AB Philo na lang daw. Aba walang kapila pila. At doon nagsimula ang pakikibaka ko sa buhay iskolar ng PUP.

NO SHIFTING. Yan ang unwritten policy ng College of Arts sa PUP. At diyan nagsimula masira ang buhay mag aaral ko. Mga kupal ang mga propesor. Pero nakapasa ako sa unang major ko. Partida, animnapu kameng estudyante niya at labing isa lang ang pinasa niya (oha! yabang! ahehe). Pero ganun pa ren, mga kupal silang lahat.

DALAWANG ORAS NA BIYAHE. Yan ang moda ko araw araw. Dadaan ako sa eskinita ng Guadalupe kung saan nakatira yung matandang namamalimos. Aakyat sa MRT Station sa Boni na good luck na lang sa'yo lalo na pag out of service ang escalator. Makikipagbungguan sa mga taong nagmamadali sa mga mapapanghing bangketa ng Boni, makikipagkiskisan ng siko sa loob ng jeep na rutang Boni Kaliwa-Stop & Shop at maglalakad sa kahabaan ng Teresa, hanggang sixth floor. Swerte mu kung walng bantay sa elevator, pero kung meron, ihanda mo na ang regi at ID mu.

Nagsawa aku sa paulit ulit na hassle sa buhay. hindi ko na kinaya. Nag stop ako. Pero sabi ko sa mga magulang ko, nahuli ako ng pagbabayad kahit matagal pa ang deadline. Bum ako hanggang bakasyon. Nitong Academic Year, di ko pa ren trip mag aral, kaya talgang nagpahuli ako ng enroll sabay banat ng shift sa Interior Design pero hindi lumusot. Saklap.

Tinry ko namang magtrabaho pero hindi yata talaga para sa akin ang mga iyon. Kung natapos ko ang second year ko, malamang lang nagtatrabaho na ako sa prestihiyosong kumpanya na itatago natin sa pangalang Convergys. Ampupu, kaya ko ang tests pero dun lang ako bumagsak: hindi tapos ang second year sa kolehiyo. Pakshet. Pero yaan na lang.

 

Tama na ang crap na ito tungkol sa buhay iskolar ko.

Masaya naman ang bagong taon ko. Halos magdamag kausap si Karlu sa talepano. May videoke machine na nirentahan si Tito na talaga namang panalo dahil nakanta ko sa muli ang Nothing Compares To You at Stay ni Lisa Loeb. Nagtapang tapangan ako at kinanta ko ang Akap na I mago. Wala lang naman, nalaspatangan ko lang naman yung kanta. Wahehe! Nung natapos na ang party ng mga bandang alas singko ng madaling araw, si Jeypi na ang kasama ko. At hindi niya pa ren aku pinasahan ng tubella ng droga. Bago ako nakatulog ay nakipag wrestling muna ako kay Tsukoni, ang rottweiler nina Gracey. Sinabunutan lang naman niya aku at kinagat sa tuhod. Pagkagising ko sa unang araw ng taon, para akong poksa dahil sobrang slow ng paligid ko.

Kahapon, nagkita kami ni Carie at maghapon kameng nagwentuhan at naglakad sa Megamall, Shang at Galle. Naisipan kong dumaan sa Cainta. Tinext ko si Ungas kung nasa Cainta xa, baka kase magkita kame ng wala sa oras. Kumpirmado: nandun nga siya. Magkita daw kame. Sige. At wala siyang ginawa kundi ang pagtripan ako. Alas dose na kami naghiwalay at alas tres naman na ako nakatulog. Pagkagising ko ay nag soundtrip muna ako at naisipan ko nang bumangon ng alas diyes ng umaga kanina. Sabi ni Ungas, kung sto ko raw pwede kameng magsabay paalis. Sige. Pero ampupu na yan, ang labo niyang kausap. Sabi niya aalis siya at pupunta sa dorm, tas biglang hindi na raw. tumambay lang kame sa tindahan at inasar nya lang aku ng inasar. Me alas naman ako dahil saken nakasalalay ang pagpalit niya ng mga kanta sa mp3 ng salepano niya. Ehehehe! Wala na siyang palag pag nagtatanga tangahan na ang pagmumukha ko kung pahihiramin ko siya ng audio cable o hinde. Kaya lang sumasakit na ang mga binti ko mula sa maghapong paglalakad namen ni Carie. Kaya hindi ko alam kung maibibigay ko ba sa kanya yun ngayon.

Ayan, tapos na ko sa pagpindot. mambubulabog na ako kina Karlu.

.l. (-_-) .l.

Weeee!!!! Humachoo aku dito sa shop.



Currently listening to:
Wishmaster
By Nightwish



Posted at 01:10 pm by harbatera

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry
Harbatera Ng Taon. Pikon. Mandadaot. Sablay. Sintunado. Tahimik. Maingay. Kumplikado. Tensionado. EMOsyonal. Iyakin. Manginginum (hindi na pala ngayon. Nyahaha!). Adeek. Nocturnal. Manunugat. Maninilab. Claustrophobic. Introvert.


elouai's doll maker 3
   

<< January 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed