Am The Reaper Of My Words.



Saturday, January 14, 2006
Bago ito

Eto yung bagong bahay ko. Nakakasawa ang blogdrive at nawiwindang aku sa lintak na javascript na yan. Weeee! Apir.

Posted at 08:13 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Thursday, January 12, 2006
Manika

Wala na naman akong masabi dahil sa muli, nawili na naman aku sa pag gawa ng manika na talga namang katuwa tuwa. Sa wakas naispatan ko nang muli ang myspace page ng My Bloody Valentine. Panalo.

Napanaginipan ko sina Marco at Ungas kanina. Tama, kanina. Kase alas siyete na ako natulog. Dahil may lakad ako dapat ng alas singko. Tas sakto dahil Exorcist: The Beginning pa sa HBO kaninang alas dos. Panonoorin ko na sana kaya lang bigla akong naduwag, mag isa lang kase ako kanina habang nanonood, kaya ini-off ko na lang yung telebisyon. Wahehe. Ayuz pa nga kase nakaidlip pa aku at sakto alas kuwatro nagising ako. Ang lamig sa labas. Shet. Pag uwi ko kumain muna ako tas naalala ko na kulang pala ang gamit ko para makaalis. Pakshet amp. Kaya ayun, di na lang ako tumuloy. Tas nakakatawa kase inaantok na ako pero di ko pa ren magawang matulog. Labo ba? Yaan na lang.

Kaya eto ngaun, sobrang tinatamad na naman ako. As in nagwawaldas lang ako ng oras dahil walang magawa sa bahay. Ang panget ng trip, malabo, mabaho. Saklap.

May pinarinig si Gracey na scary song chuva na nirecord ng mga classmate ni Nadine. Eyun, dumagdag lang naman yung kanta sa karuwagan ko kaninang madaling araw. Ehehe. Sablay ampupu.


Posted at 03:20 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Wednesday, January 11, 2006
Girly or Dorky?

I was thinking about getting myself a new bag, like that of Tita Ely's. Tapos bigla na lang akong bumanat ng, "Nadine, ano sa tingin mo, dapat na ba akong magpaka girly ngayong taon na 'to?". Emfre isa lang ang isasagot niya: OO. Shet. Iba pala pag aktuwal mo nang narinig mula sa iba na dapat ka na ngang mag ayuz ng sarili mo. E kaya lang binigyan aku ni Munds ng libro. Fearless ang title. Pang teeny-bopper ang tema pero ayuz naman. Tapos naisip ko, wag nang magpakagirly. Ipagpatuloy ang nasimulan bilang dorky.

Magkasama kame ni Munds kagabi, tamang tambay sa Intra tas eyun, alas dose na aku umuwi. Nawala pa nga ang regi ko dahil sa katangahan. Muntik pa akong nawala sa Taft dahil imbes na sa Pedro Gil aku bumababa, sa Ped Xing ako tumuloy. Oha! Tanga lang talaga pag minsan. Ehehe. Ampupu, pagdating sa Pedro Gil wala ng FX na derecho hanggang dito. E di wala akong choice kundi ang tumawid sa kabilang kalye at maghanap ng jeep papuntang Guadalupe. Wee! Tas may narinig ako, "Tulay, Pembo, Pateros!" daw. Aba ayuz, may derechong jeep. E di sumakay na lang aku, sa harap. Waa! Pagdating sa Osmena, parang wala na yata akong kilay at pilik mata sa walang habas na bilis nung driver. Yaan na lang. Tas eyun, alas dose na ako nakauwi.

May naispatan akong bago sa blog ni Erin. Teehee! ancute. Di ko tuloy alam kung anung personalidad ba ang gagawin ko. (Ta! Si Tetet may split personality? Sikret.) Ehehe. Pero post ko ren muna yung una kong ginawa.

Shet. Ayaw. Sa side section ku na lang ippaste. Wahehe.

Pakshet na yan, parang may balak si Ungas na iscamin yung audio cable. Kahit may pang reply si gago, hindi nagrereply. Shet naman. Tas tinawagan ko, amp na yan ha, nagwaldas pa talaga ako ng load para lang macontact ang kupal na yun. Kaya lang babae yung sumagot, nobya niya. Yung ipinalit nya sa ken. Mabait naman, di ako inaway. At lalong wala akong balak na awayin siya. Asa.

Warla mode talaga ako kahapon, napabilang tuloy ako ng araw kung tama bang magwarla mode. E hindi pa naman pala, talaga lang sigurong merong mga utaw na kaimbey imbey. Itago naten sila sa mga pangalang Momo, Alona at Jhong.

May pinahiram si Jeypi sa aken na libro about multiple personality disorder. Yung kuwento ni Sybil Isabel Dorsett. Ampupu, nakakadisturb amputa. So far, pito pa lang sa labing pitong personalidad ang namimeet ko. Watda?! Labingpito amp. May kwenta na ang pagpupuyat ko.

Weee. May bago akong nadiskubreng musika. Sarap pakinggan pag poksa pero sakto lang. Ang ganda talaga nun.

~When am out of blade and silver, shiny, sharp things, I'll resort to self-flagellation.



Currently reading:
Sybil
By Flora Rheta Schreiber



Posted at 02:14 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Friday, January 06, 2006
Headset

Ang hassle nung headset na dapat ay gamit ko.

Ampupu naman oh, dapat kase ay magkikita kame ni Ungas ngayon para ibigay yung audio cable. Pero parang ayaw na yata niyang hiramin. Ewan ko sa kanya. Bahala siya. Bago kame nagpunta dito sa Cainta, dinaanan muna namen si Kuya JohnRey, isang malupet na karerista at breeder ng mga aso. Ampupu, nakakasindak yung rottweiler niya at ambull. Ampupu. Pero walang tatalo sa spaniel niya. Panalo sa tenga. Ahehe. Tiningnan lang nina Mommy yung ambull para kase ipa-stud dun kay Tiny, yung pitbull nila. Pero dahil may ipapa-stud nang iba, medyo nanghinayang na lang si Mommy. Next time na lang daw. Wahehe.

Pagkarating dito sa Cainta, ampupu, sinimulan na agad. Ta! Genun pala itsura ng pinapa-stud na aso. Wahahaha! Nakakatawang nakakaawa na parang may maiisip kang iba. Nyahahaha! Hay nakow, ewan.

Medyo dismayado ang moda kase walang makausap. Di ko naman magawang kausaoin at makipagharutan sa mga pinsan ko dahil wala silang gagawin kundi ang asarin ako habang buhay. E alam naman nilang pikon aku. Pakshet.

Weeee! Parang trip ko mag upload at kumuha ng mga mala dioyasng pityur ah. Sakto naka charge yung digicam ni Daddy. Shet. Ehehe.


Currently feeling: dismayado. stong magtawag ng uwak.


Posted at 08:21 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Wednesday, January 04, 2006
Hassle

Hassle. Ang shift key ng computer. Hassle ang mga pinapatugtog habang nagbuburn ng CD. Hassle. Ang tiktak ng oras. Hassle ang lamig ng panahon. Dumadalas ang pag achoo. Hassle ang load. Hassle si Jhong aka Ungas dahil talaga namang hassle siya.

Hassle ang amoy ng pabango nung utaw na dumaan. Pero may alam akong mas hassle jan. Yung isang bantay na may BO. Di ba't hassle talaga yun in the merest sense of word? Hassle ang mga bandang nagsusulputan na ala-boyband ang package. Hassle ang mga utaw na nagaastig astigan na wala namang ika-aastig. Hassle ang mga nagpapalusot na huli naman sa akto. Hassle ang mga mapanlinlang na utaw. Pero ang lalong hassle: pag bankrupt ka na at wala ka ng magagawa kundi ang mang harbat na lang at mang iscam.

Hassle din pag di mo maintindihan ang binabasa mo. Hindi mo alam kung ikaw nga ba ang malabo o yung sumulat ng binabasa mo ang malabo. Hassle pag may kupal kang propesor. Hassle ang mga drayber ng jeep na parang nakikipaghabulan kay kamatayan, na kapag sinabayan ng mga kundoktor ng bus sa pagsigaw ng "Buni, Buni' imbes na "Boni, Boni", mapapailing ka na lang.

Hassle kapag dead air habang nasa talepano. Yung tipong hindi mo na alam yung sasabihin mo. Dahil natatakot ka na baka mali ang masabi mo at mapahiya ka lang. Pero mas hassle kapag may incoming call at alam mong dapat mo nang bitiwan yung talepano dahil gagamitin na ng iba. Ah, eto ang isa pa: pag busy tone.

Hassle kapag di mo maramdaman ang kasiyahan sa araw mo. Yung tipong kahit anong pilit ang gawin mo, di ka magiging masaya at uulanin ka lang ng matinding kalungkutan at wala kang magagawa kundi ang magpasukob dito. Hassle na kung kelan gusto mo nang lumimot, saka naman may darating na magpapaalala sa'yo ng mga dapat limutin. Hassle kapag di ka makalakad pasulong. Kesyo masakit ang binti mo o talagang di lang convincing ang rason para makalakad ka pasulong.

Nakakatawang  nakakinis ang mga ganyang sitwasyon. Parang gusto ko na lang silaban ang bawat hassle na dadaan. Pero naisip ko, lilipas din ang mga lintak na hassle na yan.



Currently reading:
The Immoralist (Vintage International)
By André Gide



Posted at 07:04 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Palpak

~Tama. Palpak. Dahil may pagkatatanga tanga lang. Hassle. Pero ayuz lang.

Nakainuman kagabi si cras. Emfre medyo pa shy ang moda nung una pero nagswak na nung pinaguusapan ay tungkol sa walang katapusang musika. Nyak. E mainstream pala ang trip niya. Malabo ampupu. Tas wala lang. Nung una ko kase siyang nakita, madilim nun. Pero kaninang madaling araw, parang di yata yun yung cras ko. Labo ba? Yaan na lang. Ah basta, nanood kame ng vcd na provided ng Inside Racing at talagang panalo dahil andun si Dustin. Tama, si Dustin Esguerra na talagang malupet.

Speaking of malupet, binanatan lang naman ako ni Ungas. Nahihiya daw siya sa ken dahil dadayo pa raw ako ng Maynila para lang ibigay sa kanya yung audio cable tapos wala naman daw akong pupuntahan pang tropa. Ampupu. Sabi ko naman paano kaya kung saktan ko siya. Ngayon pa siya nahiya amp. Aba aba, sabi ba naman niya paano raw kung ako ang saktan niya ng malupet. Pakshet naman Ungas, matagal mo nang ginawa sa ken yun.

Di na naman aku umalis para ayuzin ang mga papers ko sa PUP. E kase bankrupt na naman si Tetet. Tapos talagang tinamad na ako. Hindi ko tuloy naibigay yung audio cable kay Ungas. At ngayon, may problema. Na talaga nga namang hassle. Pag genun kase, wak na lang pumalag. Lalo na't kung alam mong matatalo ka lang naman di ba? Malabong malinaw. Pero totoo.

Nabasa ko ang mga nakasulat sa notebook ko. Natawa naman ako sa mga kagaguhan, kasawian, katuwaan at mga dugo na nakalagay doon. Sabi ni Karlu, silaban na raw ang notebook na yun. Hmm. Pwede ren. Pero ipapabasa ko pa kay Ungas ang mga laman nun. Para malaman niya lahat ng hassle na nangyari sa buhay magmula nang nakilala ko siya. Ay oo nga pala, sabi ko tatantanan ko na ang pagwawaldas ng tinta sa kanya.

~Malabo. Hassle. Madalas talo. Pirapiraso. Amoy kape.

~Hassle ang blogdrive. Silaban na. saktan ang dapat saktan. Wala nang palagan. Para masoya.


Posted at 02:36 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Tuesday, January 03, 2006
Bob Ong In The Making

Apat na buwan bago aku grumaduate ng hayskul ay nabasa ko ang libro ni Bob Ong. Ang pamagat: ABNKKBSNPLA KU?!. Naispatan ko siya sa inaalikabok na cabinet ng pinsan kong si Dimple. Nagandahan aku sa kober: Green. Tapos puting puti pa ung mga pages. Ganun ang mga masarap basahin lalo na pag tamad ang moda ko. Unang tirada pa lang mukhang ayuz na. Natutuwa aku sa mga banat niya. Para lang siyang nagwewento habang nakikipag inuman. Pero malalim ang bawat tirada at banat. Panalo.

Kaya ko nasabi na parang Bob Ong in the making ako ay dahil parang ganun ang nangyayari sa buhay  ko ngayon. Lalo na kung ang pag uusapan ay ang pag aaral. Nung hayskul aku, naitanong ko sa sarili ko kung baket ba kailangan mag aral, e mas marame namang matututunan sa labas ng apat na sulok ng alikabuking silid-aralan. Pero siguro talagang tamad lang aku. Panatag naman ang buhay ko nung hayskul. May mga matatawag na kaibigan, napapagiliran ng mga nagpupumilit mag fit in. Ako lang sa klase ang kinakausap ng mga classmate kong lalake pagdating sa basketball at musika. Marame ring plastik noon, na akala ko mawawala na ngayong kolehiyo na ako. Pero muli, ako'y nagkamali. Yaan na lang, dahil kahit saan ka magpunta, mapaliligiran ka talaga ng mga taong plastik.

Nung nabasa ko ang libro ni Pareng Bob, natakot na akong tumuntong ng kolehiyo. Ang lakas ng impact saken nung linyang, "Para akong isang insekto sa gitna ng kagubatan, madaling matiris." Ay ampupu, basta parang genun yung tirada. Naisip ko, kaya ko pa kayang mag aral sa kolehiyo? Wala akong pakialam nun kung may unibersidad na magpapatake ng entrance exam. Dahil gusto ko sa U.P. Pero dahil nga sa tae akong mag isip, nung UPCAT review pa lang sa school, di na ako nagpa sign up sa program. Ayokong mag entrance exam sa U.P. Shet. Sabi ng nanay ko, sa PUP na lang daw ako. parang U.P pero mas mababa at hamak na talagang mas mababa ang tuition. Oo lang ako, walang palag. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako dahil parang nakakatakot mag aral. Ang mga ka batchmates ko nagkukumahog mag review bago ung PUPCET, dahil sa ayoko naman talaga sa PUP, wala akong pakialam makapasa man ako o hindi. Wala kaseng direksyon ang buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Dahil kapag freshie ka, trabaho kaagad ang iniisip. "Madali kayang makakuha ng trabaho pag ito ang kinuha kong course?' blah blah blah. Potaness, ang pagkakaroon ng trabaho nasa tiyaga yan. Walang rebyu rebyu sumugod ako sa PUP. At ayun, nakapasa naman. (yabang! ahehehe)

Enrolment day. Kasama ko nanay ko dahil namimiss na raw niya ang buhay estudyante. WATDA?! Pero sige, wala pa ren akong palag. Bago ang enrolment day tsaka lang ako nag decide kung ano ang kukunin kong course: AB English. Pagdating a fourth floor marameng tao. Na interview pa ako e sabay banat ng, "The department has reached it's uota.. blah blah.. Punta na lang kayo bukas kung nagdedecide ba ang college kung magdadagdag pa ng isa pang section." Ayuz lang. kinabukasan pagbalik, malabo ang balitang natanggap ko. Mag enroll na lang daw muna kame sa ibang college at after a year ay mag shift kame. Pakshet. Sabi ni ina, sa AB Philo na lang daw. Aba walang kapila pila. At doon nagsimula ang pakikibaka ko sa buhay iskolar ng PUP.

NO SHIFTING. Yan ang unwritten policy ng College of Arts sa PUP. At diyan nagsimula masira ang buhay mag aaral ko. Mga kupal ang mga propesor. Pero nakapasa ako sa unang major ko. Partida, animnapu kameng estudyante niya at labing isa lang ang pinasa niya (oha! yabang! ahehe). Pero ganun pa ren, mga kupal silang lahat.

DALAWANG ORAS NA BIYAHE. Yan ang moda ko araw araw. Dadaan ako sa eskinita ng Guadalupe kung saan nakatira yung matandang namamalimos. Aakyat sa MRT Station sa Boni na good luck na lang sa'yo lalo na pag out of service ang escalator. Makikipagbungguan sa mga taong nagmamadali sa mga mapapanghing bangketa ng Boni, makikipagkiskisan ng siko sa loob ng jeep na rutang Boni Kaliwa-Stop & Shop at maglalakad sa kahabaan ng Teresa, hanggang sixth floor. Swerte mu kung walng bantay sa elevator, pero kung meron, ihanda mo na ang regi at ID mu.

Nagsawa aku sa paulit ulit na hassle sa buhay. hindi ko na kinaya. Nag stop ako. Pero sabi ko sa mga magulang ko, nahuli ako ng pagbabayad kahit matagal pa ang deadline. Bum ako hanggang bakasyon. Nitong Academic Year, di ko pa ren trip mag aral, kaya talgang nagpahuli ako ng enroll sabay banat ng shift sa Interior Design pero hindi lumusot. Saklap.

Tinry ko namang magtrabaho pero hindi yata talaga para sa akin ang mga iyon. Kung natapos ko ang second year ko, malamang lang nagtatrabaho na ako sa prestihiyosong kumpanya na itatago natin sa pangalang Convergys. Ampupu, kaya ko ang tests pero dun lang ako bumagsak: hindi tapos ang second year sa kolehiyo. Pakshet. Pero yaan na lang.

 

Tama na ang crap na ito tungkol sa buhay iskolar ko.

Masaya naman ang bagong taon ko. Halos magdamag kausap si Karlu sa talepano. May videoke machine na nirentahan si Tito na talaga namang panalo dahil nakanta ko sa muli ang Nothing Compares To You at Stay ni Lisa Loeb. Nagtapang tapangan ako at kinanta ko ang Akap na I mago. Wala lang naman, nalaspatangan ko lang naman yung kanta. Wahehe! Nung natapos na ang party ng mga bandang alas singko ng madaling araw, si Jeypi na ang kasama ko. At hindi niya pa ren aku pinasahan ng tubella ng droga. Bago ako nakatulog ay nakipag wrestling muna ako kay Tsukoni, ang rottweiler nina Gracey. Sinabunutan lang naman niya aku at kinagat sa tuhod. Pagkagising ko sa unang araw ng taon, para akong poksa dahil sobrang slow ng paligid ko.

Kahapon, nagkita kami ni Carie at maghapon kameng nagwentuhan at naglakad sa Megamall, Shang at Galle. Naisipan kong dumaan sa Cainta. Tinext ko si Ungas kung nasa Cainta xa, baka kase magkita kame ng wala sa oras. Kumpirmado: nandun nga siya. Magkita daw kame. Sige. At wala siyang ginawa kundi ang pagtripan ako. Alas dose na kami naghiwalay at alas tres naman na ako nakatulog. Pagkagising ko ay nag soundtrip muna ako at naisipan ko nang bumangon ng alas diyes ng umaga kanina. Sabi ni Ungas, kung sto ko raw pwede kameng magsabay paalis. Sige. Pero ampupu na yan, ang labo niyang kausap. Sabi niya aalis siya at pupunta sa dorm, tas biglang hindi na raw. tumambay lang kame sa tindahan at inasar nya lang aku ng inasar. Me alas naman ako dahil saken nakasalalay ang pagpalit niya ng mga kanta sa mp3 ng salepano niya. Ehehehe! Wala na siyang palag pag nagtatanga tangahan na ang pagmumukha ko kung pahihiramin ko siya ng audio cable o hinde. Kaya lang sumasakit na ang mga binti ko mula sa maghapong paglalakad namen ni Carie. Kaya hindi ko alam kung maibibigay ko ba sa kanya yun ngayon.

Ayan, tapos na ko sa pagpindot. mambubulabog na ako kina Karlu.

.l. (-_-) .l.

Weeee!!!! Humachoo aku dito sa shop.



Currently listening to:
Wishmaster
By Nightwish



Posted at 01:10 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Tuesday, December 27, 2005
Talak, Pagkawala atbp.

Kaninang hapon pagkagaling ku dito sa pc shop, dumerecho aku kina Gracey dahil namiss ku xa agad. Oha! Magkasama lang kame nun kahapon. Wahehe. E kakambal ku yun e. Joke joke joke! Emfre hinanap ku agad si gaga tas sabe ni Tita Cynthia wala raw siya. Hmm.. Andalas dalas na naman niya sa shop ah. Biglang bumanat si Tita na wala na raw yung salepano ni Gracey. kala ko nagbibiro lang. E tahimik si Tito. Tas eyun, kumpirmado: Naharbat ang salepano niya sa shop. Patay. Shet. Kaya kung sino ka mang bandit ka, tae ka. Pakyu. Ang mahal nung salepano na yun at bortde gift sa kanya yun ng nanay niya. Me pityur aku dun na pamatay at diosang diosa ang dating (Naks! Kaya pala concerned. Hehekz). Me pityur pa kameng tatlong magpipinsan dun na talaga namang panalo kahit oily oily na ang mga mukha namen. Ay pota, ang ingay ng mga pinsan ko sa kabila ah. Teka nga, masampolan ng gigil.

Pagkagaling ko kina Gracey, umuwi na lang aku kase wala naman akung gagawin tsaka trip ko na reng maligo. Ahehe. Walang utaw sa bahay at sakto, pwedeng mag soundtrip at mambulabog ng mga kadaot daot kong mga kapitbahay. Aakyat na aku sa warto ng naalala ko, di pa pala aku nakakapagkape. Ampotaness na yan, instant na nga lang yung kape sa bahay, decaf pa! Shet naman oh, kung minamalas nga naman. Umakyat aku para manguha ng tuwalya, ready na para magpakalinis naman. Buti na lang hindi aku nahulog muli sa hagdan oha! Sabay bumant si ina, "O tet, hiwain mu na yung karne. Bilisan mu, anung oras na." Waa! taeng buhay naman 'to oh. Pero sige, dahil minsan lang aku maging masunuring anak, ginawa ko na yung pinapagawa niya. Nagsaing na ren aku. Panalo.

Nanonood aku ng tv habang binabantayan ang niluluto. Watda?! 'Nobela' ng Join The Club sa MTV! Swak. +sighs+ ang lungkot naman talaga ng bawat salita at linya. Tas eto pa, naispatan ko yung video ng Chubibo na 'Patawad'. Ampshet, ang ganda. Tatakbo ka tas wala ka palang kanang paa. Ang ganda pa nung gerlalu sa video kahit payat. Payat. Payat. Si Tetet ay payat din. Wahehe. Umulan ng malakas nung pinalabas ang 'Maybe' ng UpDharma Down. Kase kumanta aku. Wahehe. MTV Get Spotted pa, wee! Si Marc ang vj. Panalo. Tas mas swak yung event na kinober niya: Terno Au Go Go sa Cubao X. Waaa! Andun kame dapat ni Henrie e. Pero dahil me kasabay na gig yun, yaan na lang.

Nanood lang aku ng The Cut sa RPN 9. Taena pala ni Tommy Hilfiger eh. Kung di ba naman gagu, ang brutal amp. Prangka e. Pero panalo. Tinapos ko lang yun at dumerecho ulet aku dito sa pc shop. Anu nga ba ulet ginawa ko? Ahh uu, lumipat aku ng bagong babarubaling blogsite. Pero dahil mahal ko ang blogdrive (Weh?), dito pa ren aku. Wahehehe. Umuwi ulet aku para sana lumamon. Aba aba, kung di ba naman sablay talaga bumant nanay ko, di ko pa nga natatanggal ang tsinelas ko nagtalak ba naman ng. "Oi Tet, maghugas ka naman na ng pinggan." Tae amp. Masaya nga aku nung lumabas ng pc shop tas biglang genun. Naisip ku tuloy, update na ulet 'to. Wahehe. Pero sinunod ko pa ren yung inutos niya. At di pa aku lumalamon. E tae eh. Hehe.

Ta! At dahil nocturnal aku, malamang lang di na naman aku makakatulog neto. Wahehe. masarap ang kape e. At wala nang magbabawal sa akin na uminom ng kape. Wala na reng magbabawal sa ken na magsugat. Wala na reng magbabawal sa aken na mag mini skirt. Panalo pala e! Ayuz.

Ay amp na video yan. Ayaw na namang mag play. Pota. Kaborkot.

Teehee! Si Apple nagpapaturo sa ken tungkol sa css chuva ng Friendster. Wahehe



Currently listening to:
Straylight Run
By Straylight Run



Posted at 09:03 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Uy, bago 'to ah.

Test lang. Kaw naman oh. Wak maxado eksayted.


Posted at 08:11 pm by harbatera
Sige, banat lang.  

Harbatera Ng Taon. Pikon. Mandadaot. Sablay. Sintunado. Tahimik. Maingay. Kumplikado. Tensionado. EMOsyonal. Iyakin. Manginginum (hindi na pala ngayon. Nyahaha!). Adeek. Nocturnal. Manunugat. Maninilab. Claustrophobic. Introvert.


elouai's doll maker 3
   

<< November 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed